Abiso sa mga kustomer ng Meralco, magkakaroon ng dagdah singil sa kuryente sa buwan ng Hunyo.
Ayon sa Merlaco, tataas ang June billing ng P0.08 per kilowatt hour dahil sa pagsipa ng presyo ng kuryente sa spot market noong kalagitnaan ng Mayo 2021.
Katumbas ang dagdag singil ng P16 para sa mga komokunsumo ng 200 kwh at P40 sa mga komokunsumo ng 500 kwh.
Ito na ang ika-3 sunod na buwan na nagkaroon ng taas-singil ang power distributor.