Magpapatupad ang Manila Electric Co. (Meralco) ng taas-singil sa kuryente ngayong Disyembre.
Ito’y dahil natapos na ang isa sa apat na refund na ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Nabatid na aabot sa 32.97 centavos kada kilowatt hour ang magiging dagdag-singil sa kuryente.
Dahil dito, ang overall electricity rate para sa isang typical household ay nasa P10.2769 per kwh na mula sa P9.9472 per kwh noong nakaraang buwan.
Madadagdagan ng 66 pesos ang bill ng isang household na nakakakonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.
Para naman sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hour, magkakaroon ng dagdag-singil na 99 pesos;
132 pesos naman para sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt hour; at 165 pesos naman sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt hour.