Inanunsyo ng Meralco ang dagdag na 23 centavo sa kada kilowatt hour sa singil sa kuryente ngayong buwan.
Ayon sa Meralco, ang dagdag singil ay dahil sa charges o singil din ng WESM o Wholesale Electricity Spot Market na mahigit piso sa kada kilowatt hour.
Kasunod na ito ang mahigpit na supply conditions sa Luzon grid at mataas na demand ngayong panahon ng tag-init.
Tinukoy ng Meralco ang dagdag na 45 pesos sa bill ngayong Abril ng kumukunsumo ng 200 kilowatt hour.