Sinimulan na ng Meralco ang paghahatid ng electric bill sa kanilang mga kostumer.
Gayunman nilinaw ng Meralco na hindi kailangan bayaran ng buo ang dalawang buwang konsumo na nakalagay sa matatanggap nilang bill.
Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, dahil sa lockdown bunsod ng COVID-19, ay maaaring utay-utayin ng apat na beses ang pagbabayad nito.
Sinabi ni Zaldarriaga na sa bagong bill ay makikita ang bayaran para sa konsumo nuong Pebrero hanggang bago mag-quarantine, habang sa bandang taas naman ng bill sa kaliwa makikita ang bayarin para sa Abril.
Ito ay ginawang average consumption dahil hindi nabasa ang metro ng konsumer dahil sa lockdown.
Una rito sinabi ng Energy Regulatory Commission (ERC) na maaaring hatiin sa apat na bayaran ang magiging bill sa kuryente sa quarantine period.