Nagdeklara ng general state of alert ang Meralco.
Tanda umano ito ng kahandaan ng Meralco sa pananalasa ng Bagyong Tisoy.
Ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, pinatatag na nila ang kanilang mga poste at nagputal na ng mga puno na sumasabit sa mga kable.
Kasabay nito, pina alalahanan ng Meralco ang mga bahay na mabilis tumaas ang baha na tiyaking hindi mababasa ang circuit breaker at tanggalin ang saksakan ng mga appliances sa panahon ng baha.
Sakali umanong mabaha ang mga appliances, dapat na patuyuin muna ito ng husto bago gamitin upang hindi pagmulan ng aksidente —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).