Pinagpapaliwanag ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang MERALCO hinggil sa panibagong dagdag singil nito sa kuryente na ipatutupad simula sa Pebrero dahil sa Tax Reform Law.
Nagtataka si Cusi kung paanong kinuwenta ng MERALCO ang otso Sentimos na increase sa kada kilowatt hour na magreresulta sa dagdag 16 Pesos 16 Centavos na dagdag para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt kada buwan.
Bagaman hindi anya sila tutol sa dagdag singil, hindi naman nila basta matatanggap ang increase lalo’t responsibilidad at bahagi ng mandato ng kagawaran ang pag-kwenta sa electricity rates para sa mga consumer.
Kanina ay nagpadala na ang DOE ng letter of inquiry sa MERALCO upang bigyang linaw ang ikinakasa nilang rate increase.