Masayang inihayag ng pamunuan ng Meralco na kanilang pinalawig ang pagpapatupad ng ‘no disconnection policy’ hanggang May 14.
Sa isang pahayag, sinabi ng Meralco na ang naturang hakbang ay para bigyang konsiderasyon ang kani-kanilang mga customer lalo na’t pinalawig din ang pagpapairal sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ibig sabihin, wala mapuputulan ng kuryente sa mga lugar na sinusuplayan ng Meralco sa loob ng nasabing panahon.
Sa kabila nito, tiniyak ng pamunuan ng Meralco na magpapatuloy ang kanilang isinasagawang meter reading at paghahatid ng billing statement sa kani-kanilang mga customer.