Naipanalo ng Meralco Bolts ang game 2 ng PBA governor’s cup finals kontra Barangay Ginebra na ginanap sa Quezon Convention Center sa Lucena City, kagabi sa score na 104 – 102.
Dahil dito, tabla na ang Meralco Bolts at Barangay Ginebra sa best of seven series na parehong may tig-isang panalo.
Pinangunahan ni Allen Durham ang panalo ng Bolts na nakagawa ng kabuuang 21 points, 18 rebounds at 6 assists.
Malaki rin ang naitulong ni Baser Amer na nakapagsalpak pa ng magkakahiwalay na three point shots sa dulo ng 4th quarter ng laban na nakapagpanalo sa Bolts at nakabawi mula sa talo sa game 1 ng championship series.
Samantala, nakatakda namang ganapin ang game 3 ng PBA governor’s cup finals bukas, araw ng linggo, Enero 12.