Target ng Meralco na maibalik ng 100% ang kuryente sa kanilang nasasakupang lugar ngayong araw na ito, Huwebes December 5.
Ayon sa Meralco, umabot sa 1.4 million na kabahayan ang nawalan ng kuryente sa kasagsagan ng bagyong Tisoy.
Gayunman, agad naman umano silang nakapagsimula ng repair matapos humupa ang bagyo kaya’t tinatayang nasa 40,000 na lamang ngayon ang kabahayang wala pa ring kuryente.