Balak na ibalik ang suplay ng kuryente sa lahat ng mga lugar na nasalanta ng Bagyong Ulysses.
Sinabi ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi, target nilang maibalik ang kuryente sa lahat ng lugar na siniserbisyuhan ng Manila Electric Company (Meralco) sa Nobyembre 15.
Umapela naman sa publiko si Cusi na maging mapang-unawa dahil hirap anila silang maibalik ang suplay ng kuryente dahil sa mga lugar na lubog pa din sa baha.
Ayon naman kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, kinakailangang humupa muna ang baha sa ilang lugar bago makapagtrabaho ang mga line personnel na kanilang ipadadala dahil lubha aniyang napakadelikado kapag may baha pa sa naturang lugar.
Nagsimula na ang kanilang restoration efforts kahapon, Nobyembre 12 ng 6AM at 7AM.
Samantala, gagawin ng Meralco ang lahat para maibalik ang suplay ng kuryente sa lalong madaling panahon.
Nasa 3.5 milyong customers na ang nabalik ang suplay ng kuryente habang nasa 501,272 naman ang mga customers ng Meralco na wala pa ding kuryente.
Siniserbisyuhan ng Meralco ang mga lugar ng Metro Manila, Cavite, Rizal, Bulacan at ilang bahagi ng Batangas, Laguna at Quezon.