Tuluyan nang sinuspinde ng Manila Electric Company (Meralco) ang putulan ng suplay ng kuryente hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.
Ito ang pagtitiyak ng Meralco bilang pagtalima sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) upang matulungan ang mga konsyumer nito na bumabangon sa epekto ng COVID-19 pandemic sa kabuhayan.
Pero paglilinaw ni Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, iiral lang ang ‘no disconnection policy’ para sa mga customer na kumu-konsumo ng 200 kilowatthour o mas mababa pa kada buwan batay na rin sa direktiba ng ERC.
Kasunod nito, sinabi ni Zaldarriaga na magbibigay pa rin sila ng palugit na 30 araw para sa mga customer para bayaran ang kanilang electricity bill sa mga lugar na isinailalim sa enhanced commununity quarantine (ECQ) nang walang interes o multa.