Tiniyak ng Manila Electric Company (MERALCO) na ngayong buwan lamang iiral ang pagtaas ng presyo sa kuryente.
Sa panayam ng programang “Balita Na, Serbisyo Pa,” sinabi ng tagapagsalita ng MERALCO na si Joe Zaldarriaga na dulot lamang ng Malampaya shutdown ang nararanasang dagdag-singil sa kuryente.
Sa katunayan, aniya, mas mababa kaysa unang pagtaya ng MERALCO ang presyong nadagdag.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga sa BNSP
Gayunpaman, sinabi ng tagapagsalita ng MERALCO na hindi masyadong mararamdaman ang dagdag-singil sa kuryente dahil hinati sa tatlo ang nasabing bayarin.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga sa BNSP
By Avee Devierte