Tinututukan na ng Manila Electric Company (MERALCO) ang mga lugar na nawalan ng kuryente bunsod ng pananalasa ng bagyong Karding.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Claire Feliciano, tagapagsalita ng MERALCO, karamihan sa mga naapektuhang kustomer ang mga residente ng Bulacan, Cavite, Rizal at Metro Manila partikular sa ilang lugar sa Quezon City.
Sinabi pa ni Feliciano na ongoing ang kanilang restoration activities upang kaagad na maibalik ang kuryente sa nasabing mga lugar.
Naka-full alert rin aniya ang kanilang mga tauhan upang tugunan ang mga emergency power outages.
So karamihan po dito mga emergency line trouble…pero katulad po ng nabanggit ko kaunti na lang naman itong pending cases natin since yesterday nakita natin at itong mga nakita natin and ito pong mga remaining natin mga sustained power interruption po ito…ibig sabihin lasting more than 5 minutes. And then ‘yung restoration activities po tuloy-tuloy po para agad maibalik ang mga serbisyo dyan.
Ang pahayag ni MERALCO spokesperson Claire Feliciano, sa panayam ng DWIZ.