Nasa Albay na ngayon ang may 10 team na ipinadala ng Manila Electric Company (Meralco).
Ito’y para tumulong sa pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente matapos ang pananalanta ng super bagyong Rolly sa lalawigan.
Ayon sa Meralco, binubuo ito ng 45 linemen na aalalay sa Albay Power and Energy Corporation na itatalaga sa district 1.
Una rito, nagpadala na rin ang nasa 11 electric cooperatives na kasapi ng federation of rural electric cooperatives sa Region 8.