Wagi ang Meralco kontra CAVITEX sa leg 2 crown ng PBA 3 by 3 third conference sa Robinsons Las Piñas.
Sa score na 18-17, iginiya ni Dexter Maiquez ang Meralco para angkinin ang kampyeonato.
Nabatid na halos isang three-man lineup lamang ang naiparada ng Bolts matapos ma-injury si Maclean Sabellina.
pero hindi ito naging hadlang sa koponan para makabagon mula sa five-point deficit regulation at ibinulsa ang P100-K na premyo.
Ang Barangay Ginebra naman ang nakakuha ng ikatlong tropeo matapos talunin ang Terrafirma Dyip.