Walang problema o isyu na nakaapekto sa distribution facilities ng Meralco matapos nangyaring aberya sa Air Traffic System sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ang nilinaw ni Meralco spokesperson Joe Zaldariaga kung saan batay anya sa kanilang imbestigasyon wala silang nakitang power outage mula sa kanilang mga linya.
Sinabi pa ni Zaldariaga, na nakikipagugnayan na sila sa pamunuan ng NAIA hinggil sa nasabing isyu.
Tiniyak naman Zaldariaga na handang tumulong ang Meralco sa Airport Authority sa oras na mangailangan ng assistance. —sa panulat ni Jenn Patrolla, ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)