Posibleng talakayin na sa International Tribunal ang merito ng reklamong isinampa ng Pilipinas laban sa nine-dash line at iba pang aktibidad ng China sa West Philippine Sea sa susunod na taon.
Ayon kay Assistant Secretary Charles Jose, Spokesman ng Department of Foreign Affairs (DFA), inaasahan nilang papabor sa Pilipinas ang magiging desisyon ng Arbitral Tribunal of the Permanent Court of Arbitration sa The Hague.
Bago matapos ang taon ay ilalabas na ng PCA ang desisyon kung mayroon silang hurisdiksyon para dinggin ang kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China.
Noong nakaraang Hulyo ay matatandaang tinapos na ng PCA ang oral arguments sa isyu ng hurisdiksyon ng korte sa kaso.
“Umaasa po tayo na hindi po aabutin ng ganun at mas maaga po silang maglalabas ng desisyon at kung pabor po sa atin ang desisyon meaning to say meron po silang jurisdiction, inaasahan po natin na iimbitahan tayo ulit sa The Hague for another round of oral arguments pero this time tungkol na po sa merit of the case.” Pahayag ni Jose.
By Len Aguirre | Ratsada Balita