Tapos na ang Middle East Respiratory Syndrome o MERS outbreak sa South Korea.
Ito ang idineklara ni South Korean Prime Minister Hwang Kyo-Ahn.
Ayon sa opisyal, wala nang dapat ipag-alala ang kanilang mamamayan at maging ang ibang lahi na nais bumiyahe sa Timog Korea.
Batay sa tala ng Korean Health Ministry, nasa 186 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng MERS kung saan 36 ang naitalang nasawi.
Matatandaang dahil sa MERS outbreak, bumagsak ang turismo sa South Korea dahil sa takot na tamaan ng naturang nakamamatay na sakit.
By Ralph Obina