Napag-alamang bahagi ng dredging equipment ng China ang mga metal pipe na natagpuan ng mga mangingisda sa Zambales.
Ayon kay Erwin Dela Torre, isang eksperto sa pag-mamanufacture ng mga industrial rubber at fiberglass pipes, ang nakitang mga pipe na unang inakala na oil boom ay tinatawag na “dredge floater assembly.”
Nakakabit aniya ang dredge floater assembly sa isang dredging machine na ginagamit upang humigop ng buhangin mula sa ilalim ng dagat para sa reclamation activities.
Gawa ang exterior ng floater sa fiberglass habang ang interior nito ay mayroong foam na hindi nag-aabsorb ng tubig.
By Drew Nacino