Inaabangan na ang meteor shower mamayang gabi hanggang bukas ng madaling araw.
Pinayuhan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang stargazers na silayan hanggang bandang ala-1:00 ng madaling araw ang meteor shower kung saan 50 bulalakaw ang makikita bagamat hindi sa ibang lugar ng bansa dahil sa maulap na panahon.
Makikita ang taunang Perseids mula sa konstelasyong Perseus na itinuturing na isa sa mga maliliwanag na meteor.
Inaasahan naman ngayong Nobyembre at Disyembre ang dalawa pang meteor showers.
By Judith Larino
Photo Credit: interaksyon.com