Solido ang suporta ng Metro Manila Congressmen kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr. Sa pagbubukas ng third regular session ng 16th Congress sa Lunes, July 27.
Ayon kay Liberal Party Congressman Winston Castelo, tinutukoy ng mayorya ng mga kapwa niya kongresista amg fair and productive leadership ni Belmonte sa kamara.
Sinabi ni Castelo na suportado rin si Belmonte maging ng mga partylist congressmen na miyembro nang pinamumunuan niyang House Committee on Metro Manila Development.
Mahigpit namang itinanggi ni Congressman Miro Quimbo ang pagpapatalsik kay Belmonte bilang House Speaker na hindi makatarungan dahil sa kontribusyon nito sa legislative system ng bansa.
By Judith Larino