Pinangalanan ng isang location technology specialist bilang ‘second worst traffic in the world’ ang lagay ng trapiko sa Metro Manila.
Ayon sa traffic index ng TomTom, kumakain ng 71% karagdagang oras ang travel time dahil sa mabigat na daloy ng trapiko.
Mayroon naman 73% congestion level ang mga highways at 70% sa mga maliliit na lansangan.
Nanguna naman sa listahan ang Bengaluru City sa India na mayroong 71% ng congestion level.
Ang traffic index 2019 ay isang report ng lagay ng trapiko sa 416 na syudad sa 57 bansa sa buong mundo.