Binabantayan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Metro Manila at 22 lungsod na may mataas na Covid-19 growth rate.
Ayon kay Acting Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, kinabibilangan ito ng mga sumusunod na lugar;
- Metro Manila
- Calabarzon
- Central Luzon
- Ilocos Region
- Cordillera Administrative Region
- Baguio City
- Cebu City
- Cebu Province
- Lapu-lapu City
- Mandaue City
- Iloilo Province
- Iloilo City
- Bacolod City
- Cagayan de Oro City
- Davao City
- General Santos City
- Ormoc City
- Naga City
- Dagupan City
- Western Samar
- Tacloban City
- Biliran
- Zamboanga del Sur
Para matugunan, kinakailang dagdagan ang bed capacity, isolation facility, telemedicine at teleconsultation services at iba pa. —sa panulat ni Abby Malanday