Nakitaan na ng senyales ng pagkakaroon ng community transmission ng COVID-19 Delta variant sa Metro Manila at Calabarzon.
Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan binigyang diin nito na kailangan pa rin ng malalimang pagsusuri para sa matibay na ebidensya.
Ani Vergeire, nakita na wala nang link ang mga kaso sa bawat isa at dumadami ang Delta variant case sa iba’t ibang lugar sa nabanggit na rehiyon.
Una rito, sinabi ng Philippine Genome Center na ang mga samples na nakolekta para sa genome sequencing nuong Hunyo ay nagpapakita na mayroong community transmission na ng Delta variant.