Mananatili sa alert level 1 hanggang Hunyo a-30 ang Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa.
Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Metro Manila mayors na panatilihin sa pinakababang restriksyon ang National Capital Region (NCR).
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar, ang mga lugar na mananatili sa alert level 1 ay ang Abra, Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province sa Cordillera Administrative Region (CAR); Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan sa Region 1;
Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino Sa Region 2; Angeles City, Pampanga, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Tarlac at Zambales sa Region 3.
Batangas, Cavite, Laguna, Lucena City, Rizal at quezon sa region 4-a; Marinduque, Oriental at Occidental Mindoro, Puerto Princesa City at Romblon sa Region 4-B; Albay, Catanduanes, Naga City, at Sorsogon sa Region 5 at Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Iloilo, Iloilo City sa Region 6.
Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City at Siquijor sa Region 7; ang Biliran, Eastern Samar, Ormoc City, Southern Leyte at Tacloban City sa Region 8; Zamboanga City sa Region 9; Bukidnon, Cagayan De Oro City, Camiguin, Iligan City, Misamis Occidental, at Misamis Oriental sa Region 10 at Davao City at Davao Oriental sa Region 11.
South Cotabato sa Region 12; Butuan City, Surigao Del Sur, at Agusan Del Norte Sa Caraga at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).