Inihayag ng OCTA Research Group na nasa low risk classification na sa COVID-19 ang Metro Manila at Quezon Province.
Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, naitala ang negative 63 percent na one week growth rate sa Metro Manila at negative 69 percent naman sa lalawigan ng Quezon.
Nananatili naman sa moderate risk ang Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal dahil sa mataas na positivity rates.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga sinuri.
Ikinukunsiderang high risk ang positivity rate sa Batangas na may 14 percent, Cavite na may 17%, at Laguna na mayroong 13%.