Tinatayang nasa 80% na ng bansa ang ilagay sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) pagsapit ng Hulyo 16.
Ito ang ipinahiwatig ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasunod na rin ng hakbang ng pamahalaan na unti-unting buhayin ang ekonomiya mula sa mahigit tatlong buwang lockdown.
Ayon kay Lorenzana, ang pagluluwag ng quarantine protocols ay nakadepende pa rin sa naitatalang COVID-19 cases na magmumula naman sa Department of Health (DOH).
Bagama’t nakapailalim ang Metro Manila at iba pang mga highly urbanized city sa bansa ang nakapailalim pa rin sa GCQ, maraming dating ipinagbabawal ang ngayo’y pinayagan na tulad ng religious gatherings na nasa 10% na ng kapasidad.
Maliban na lamang aniya sa Cebu City na kasalukuyang nasa ECQ pa rin dahil sa dumaraming bilang ng mga apektado ng COVID-19 duon.
Gayunman, tumanggi nang magdetalye ang kalihim kung anong partikular na mga lugar sa bansa ang posibleng isailalim na sa MGCQ maliban sa Metro Manila sa susunod na isang linggo.