Itinakda na ng Metro Manila mayors ang pagsasara pansamantala ng lahat ng sementeryo ngayong Undas.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Council (MMC), nagkasundo ang mga alkalde sa kalakhang Maynila na isara muna ang mga sementeryo mula ika-29 ng Oktubre hanggang ika-4 ng Nobyembre.
Layon ng hakbang na matiyak na maiiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil hindi dadagsa ang publiko sa mnga sementeryo sa paggunita ng Araw ng mga Patay ngayong taon.
Sinabi ni Olivarez na hinihimok na nila ang publiko na dumalaw na bago mag ika-29 ng Oktubre sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Muling tiniyak ni Olivarez ang pagpapatupad ng physical distancing sa mga sementeryo sa Metro Manila na nakasailalim pa rin sa general community quarantine.