Umapela ang Metro Manila Council sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Finance (DOF) na ibalik ang dating orihinal na bilang ng mga benepisyaryo ng Metro Manila Local Government Unit para sa pamamahagi ng social amelioration program.
Ito’y matapos libu-libong pamilya sa Metro Manila ang hindi nakasama sa cash subsidy ng pamahalaan.
Sa inihaing resolusyon, sumang-ayon ang lahat ng alkalde ng Metro Manila na nasa kalakhang Maynila ang pinakamaraming kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito, higit din ang epekto nito sa kabuhayan ng mga tao sa Metro Manila.
Nasa 18-milyong pamilya ang dapat na makakatanggap ng nasabing financial assistance ngunit ayon sa DOF, ito ay batay sa datos ng DSWD noon pang 2015.