Sangayon ang Metro Manila Council sa pagdowngrade sa buong kamaynilaan sa general community quarantin (GCQ) mula sa modified enhanced community quarantine (MECQ) simula Hunyo 1.
Ito’y ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia matapos umanong pumabor ang 17 Metro Manila Mayors na sumailalim na sa GCQ dahil kailangan na aniya buksan ang ekonomiya sapagkat marami na umano ang nagugutom.
Ayon kay Garcia, kanila pa ring hihintayin ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil dito.
Handa aniya ang Metro Mayors na tumalima sa anumang magiging desisyon ng IATF.
Samantala, inirekomenda rin ng MMDA na sakaling isailalim na sa GCQ ang Metro Manila sa Hunyo 1, hindi muna papayagang magbalik operasyon ang mga jeepneys at buses.
Anila, dapat magpatuloy ang shuttle service ng kumpanya sa kanilang mga manggagawa.