Tinutulan ng Metro Manila Council ang panukala ng National Economic and Development Authority na payagan nang lumabas ng bahay ang edad lima hanggang 70 taong gulang.
Paliwanag ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro, hindi nila kinakikitaan ng dahilan o pangangailangan para payagan lumabas ng bahay ang nabanggit na edad dahil malaki ang tyansa ng mga ito na maging super spreader ng COVID-19.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Marcelino na nakatakda silang magkaroon ng consensus building sa susunod na dalawang araw.