Inirekomenda ng University of the Philippines (UP) experts ang mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila.
Sa panayam ng DWIZ kay Professor Guido David ng UP, sinabi nito na mas makabubuti kung ibalik muna sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila o kaya ay manatili muna ito sa general community quarantine (GCQ).
Sinabi ni David na nangangamba silang madamay ang mas marami pang lalawigan sa napakabilis na pagdami ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa Metro Manila.
Pabilis ng pabilis talaga (ang kaso ng COVID-19) sa NCR. Ang danger is madadamay din ang mga surrounding area. So kailangan i-monitor talaga natin yung mga boarders natin between provinces,” ani Prof. Guido David.
Sa ngayon anya ay itinuturing na rin nilang hot spots ng COVID-19 ang mga karatig na lalawigan ng NCR tulad ng Rizal, Cavite, Laguna, at Bulacan.
Subalit kung magluluwag pa anya ng quarantine at hindi mabantayan ng mabuti ang borders, hindi malayong madamay na rin ang Batangas o ang Pampanga.