Dapat pa ring manatili sa alert level 1 ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Ito ang sinabi ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion kasabay ng gumagandang sitwasyon ng pagnenegosyo sa Pilipinas.
Ayon kay Concepcion, nakababangon na ang pribadong sektor mula sa epekto ng COVID-19 kaya mahalagang manatili ang mababang restriksyon.
Gayunman, sinabi ni Concepcion na bagaman gumaganda ang pagnenegosyo ay may epekto pa rin ang nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Hindi naman nakikita ng tagapayo na ipapasa sa mga manufacturer ang epekto ng inflation dahil hihina ang benta at kita ng mga ito.