Dapat na isailalim sa mas mahigpit na quarantine classification ang Metro Manila.
Ayon ito kay Dr. Antonio Dans, spokesperson ng Healthcare Professionals Alliance against COVID-19, dahil hindi naman bumaba ang kaso ng COVID-19 at nananatiling dagsa ang mga pasyente ng COVID-19 sa mga ospital.
Sinabi ni Dans na sa tingin nila ay nasa alert level 5 ang Metro Manila matapos maitala ang aniya’y pinakamasamang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa nakalipas na isang taon at kalahati.
Hindi na aniya dapat hintaying pang magkapaton- patong ang mga namamatay sa emergency room bago ipatupad ang alert level 5 sa NCR.