Naniniwala si Metro Manila Council (MMC) Chairperson Edwin Olivarez na dapat pang manatili sa alert level 1 ang Metro Manila.
Sa gitna ito ng sinabi ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III, na pinag-aaralan na ang pagbaba pa ng bansa sa alert level 0.
Ayon kay Olivarez, bagama’t nakikita na ang pagganda ng sitwasyon, hindi pa ito ang panahon para ibaba na ang restriksyon.
Hindi pa naman nagpupulong ang MMC kung luluwagan pa ang restriksyon sa bansa.
Hanggang Marso a-15 nakasailalim ang Metro Manila at 38 pang lugar sa alert level 1. —sa panulat ni Abby Malanday