Hindi na maaaring manirahan sa Metro manila sa susunod na apat na taon kung hindi mareresolba ang problema sa trapiko.
Ayon ito kay John Forbes, Senior Advisor ng American Chamber of Commerce o the Philippines.
Sinabi ni Forbes, kailangang i-upgrade ng gobyerno ang mga kalsada sa kalakhang Maynila upang umagapay sa mabilis na pagunlad ng automotive industry sa bansa.
Aniya sa taong 2020 ay posibleng lumobo na sa kalahating milyon ang bilang ng mga bagong sasakyan kada taon.
Malaki aniya ang magagawa ng Skyway at mga riles upang maging maluwag ang mga kalsada.
By Rianne Briones