Hindi malayong matulad ang Metro Manila sa bansang Haiti kung hindi magiging handa sakaling ganap nang gumalaw ang West Valley Fault.
Ito ang lumabas sa isinagawang talakayan hinggil sa paghahanda ng Pilipinas para sa pinangangambahang ‘The Big One’.
Ayon kay Ismael Narag ng Seismological Observation and Earthquake Prediction Division ng PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, batay sa kanilang obserbasyon, hindi pa handa ang Pilipinas lalo na ang kalakhang Maynila sa pagtama ng napakalakas na lindol.
Gayunman, nilinaw ni Narag na ginagawa ng pamahalaan at lahat nitong makakaya upang maihanda ang publiko sa matinding sakunang hatid ng paggalaw ng Marikina Fault line na siyang nagdurugtong sa West Valley Fault na kumukunekta naman sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon.
By Jaymark Dagala / with report from Aya Yupangco (Patrol 5)
Metro Manila di pa handa sa ‘The Big One’—PHIVOLCS was last modified: April 18th, 2017 by DWIZ 882