Inamin ng warden ng Metro Manila District Jail sa Taguig na lalong naging overcrowded ang mga piitan lalo nang ipatupad ng Administrasyong Duterte ang Oplan Tokhang at Double Barrel.
Sinabi ni jail Supt. Mark Bryan Dirain na sa loob lang ng 3 buwan ay nag-triple ang bilang ng kanilang mga bilanggo.
Ayon kay Dirain, mula nang maitalaga siyang Warden sa Metro Manila district Jail noong Setyembre ay nasa 650 lang ang bilang ng mga preso pero ngayon, lumobo na ito sa 1,800.
Dahil dito, umapela si Dirain na pagtuunan ng pansin ang pagtatayo ng mga mas malalaking kulungan.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal