Kumbinsido ang isang health expert na nakahanda na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Matatandaan na nagkakaisa ang mga mayors ng Metro Manila na irekomenda sa Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay na sa GCQ ang Metro Manila mula sa umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay Dr. Susan Mercado, pabor siya sa mga napagkasunduan ng alkalde na bigyan na lamang sila kapangyarihang i-lockdown ang mga lugar sa kanilang syudad na marami pang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa ilalim ng GCQ, papayagan nang magbukas ng 50% ng kanilang kapasidad ang ilang piling negosyo sa Metro Manila at papayagan na rin ang ilang piling uri ng transportasyon tulad ng Transportation Network Vehicle Services (TNVS), taxi at iba pa.
I’m sure ‘yung mga alkalde natin, ayaw din nilang mamatayan sila, ayaw din nilang maputukan ng sakit na punung-puno ang ospital, alam nila ‘yan. So, siguro meron lang talaga tayong ibibigay na pagluwag ng konti, at sila na ang magdesisyon, pati mga public transport,” ani Mercado. —sa panayam ng Ratsada Balita