Nilinaw ng Philippine Atmospherical Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi apektado ng binubugang abo ng bulkang Taal ang Metro Manila.
Ayon sa weather bureau, ang ash column ng bulkang Taal ay hindi papunta sa direksyon ng Meto Manila kaya wala itong epekto sa hangin ng lugar.
Ngunit oras na maganap ang isang major eruption at lumampas ng 7 kilometro ang ibinuga nitong abo ay maaring maapektuhan ang Laguna at Quezon.
Samantala, wala namang inaasahang low pressure area o sama ng panahon ang PAGASA sa susunod na tatlo hanggang limang araw.