Pumuwesto sa ikatlo ang Metro Manila sa listahan ng mga may pinakamalalang sitwasyon ng trapiko sa Southeast Asia.
Batay ito sa isinagawang survey ng Boston Consulting Group na tinagurian nitong ‘Unlocking Cities’ mula Setyembre hanggang Oktubre.
Ayon sa survey, 66 na minuto ang average na pagkakatigil sa trapiko kada araw samantalang umuubos ang mga driver ng average na 24 minutes bawat araw sa paghahanap ng mapaparadahan.
Ang bangkok sa Thailand ang nasa unang puwesto ng may pinakamalalang traffic situation at sinundan ito ng Jakarta sa Indonesia at maituturing namang best performers sa sitwasyong traffic ang Singapore at Hong Kong.
Lumabas din sa naturang survey na maaaring lumala pa ang traffic situation sa Metro Manila dahil 84% ng respondents ang nagpaplanong bumili ng sariling sasakyan sa susunod na limang taon.
—-