Inanunsyo na ng Palasyo ang panibagong quarantine status na iiral sa unang araw ng Pebrero.
Sa isang pahayag, sinabi Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na mananatiling nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region.
Bukod pa rito, nasa ilalim na rin ng GCQ ang Batangas, Tacloban City, Davao City, Davao Del Norte, Lanao Del Sur, at Iligan City.
Habang ang nalalabing lugar sa bansa ay sasailalim naman sa modified general community quarantine (MGCQ).
Paliwanag ni Roque, ang panibagong quarantine status sa mga nabanggit na lugar ay alinsunod sa inaprubahan ng punong ehekutibo. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)