Ibinaba na ng PNP NCRPO ang alert status sa Metro Manila mula sa full pababa sa hightened alert.
Ayon kay PNP NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar, kasunod ito ng ginawa nilang validation at konsultasyon sa iba pang law enforcement agencies at militar.
Sinabi ni Eleazar na hindi niya tuluyang tinanggal ang alert status dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon sa suicide bombing sa Indanan, Sulu.
Pina-alalahanan ni Eleazar ang lahat ng station commanders na tiyakin ang seguridad hindi lamang ng mga PNP headquarters kundi ng lahat ng vital installations at pampublikong lugar sa Metro Manila.