Isinailalim na sa alert level 2 ang Metro Manila simula ngayong araw, Nobyembre 5.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force o IATF ang pagbaba ang alert level status sa National Capital Region mula sa alert level 3.
Epektibo aniya ang alert level 2 sa NCR hanggang Nobyembre 21.
Maliban dito, inaprubahan din umano ng IATF ang rekomendasyon ng sub-technical working group on data analytics na gawing basehan sa pagdedesisyon ng alert level assignments ang pinaka huling makakalap na datos malapit o bago ang implementasyon nito.
Kaugnay nito, simula sa Disyembre 1, 2021, pagdedesisyunan ang alert level status tuwing ika-15 at ika-30 ng buwan.—sa panulat ni Hya Ludivico mula sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos