Isinailalim na sa community quarantine ang buong Metro Manila.
Itoy matapos itaas na sa code red alert sub level 2 ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sa ilalim ng resolusyon ng Inter Agency Task Force (IATF) na binasa Ng Pangulong Rodrigo Duterte, ang mga local government units ay inaatasang magpatupad ng localized quarantine sa kanilang nasasakupan kung kinakailangan.
Kailangan ring magpatupad ng quarantine sa isang barangay sakaling magkaroon ng dalawang kaso ng COVID-19 sa iisang lugar.
Aminado ang Pangulong Duterte na ang community quarantine ay kahalintulad rin ng lockdown.