Posibleng hindi magpakita ang haring araw sa darating na Sabado at Linggo.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan, batay sa report sa kanila ng PAGASA, uulanin ang Metro Manila mula ngayon hanggang weekend.
Dahil, aniya, ito sa Habagat na hinihila ng bagyong Gener.
Inaasahan anyang tatahakin ni Gener ang halos kaparehong rutang tinahak naman ng bagyong Ferdie na nakalabas na ng bansa ngayon.
Kaya makararanas pa rin, aniya, ng pag ulan ang mga lugar sa hilagang bahagi ng Luzon.
Nilinaw naman ni Marasigan na localized thunderstorm at hindi Habagat o bagyo ang nararanasang pag ulan sa Mindanao.
Samantala, may namomonitor pa anya ang PAGASA na isa pang LPA na namumuo sa
Labas ng Philippine Area of Responsibility.
Gayunpaman, malabo naman, aniya, itong maging bagyo at posibleng dumaan lang sa karagatan ng Pilipinas.
By: Avee Devierte