Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila ngayong Miyerkules.
Ito, ayon sa PAGASA, ay dahil sa epekto ng pag-iral ng southwest monsoon o Habagat.
Makakaapekto rin ang Habagat sa nalalabing bahagi ng Luzon at Western Visayas, habang mararamdaman din ang epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa natitirang bahagi ng bansa.
Nagbabala naman ang PAGASA sa posibleng maranasang flash floods o landslides sa mga nabanggit ng lugar dahil sa mga kalat-kalat na katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan.