Mahigit 9,000 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang maitatala mula sa Metro Manila hanggang sa Hunyo 15.
Ito ang babala muli ng experts mula sa University of the Philippines (UP) kapag nagpatuloy ang kasalukuyang trend at community quarantine measures.
Sa kanilang Mayo 20 report inihayag ng researchers na nasa mahigit 9,000 bagong kaso at mahigit 800 ang bilang ng nasawi sa mga lugar sa Metro Manila hangagng Hunyo 15 kung saan nangunguna ang Quezon City na mayruong mahigit 2,000 kaso at Mandaluyong na nasa mahigit 1,000 ang kaso.
Binigyang diin ng UP experts na anumang modification sa enhanced community quarantine (ECQ) ay maaaring makapagpataas ng bilang ng kabuuang kaso lalo na ang death toll
Samantala tinataya naman ng researchers na papalo sa mahigit dalawang libong bagong kaso at halos 30 ang patay sa Cebu City hanggang sa Hunyo 15 at 610 new cases at 17 deaths sa Laguna sa parehong petsa.