Mahirap pang sabihin kung kailan nga ba maisasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila.
Ayon kay Senadora Imee Marcos, ito’y dahil pabagu-bago pa ang sitwasyon sa bansa lalo’t may ilang mga variant ng virus ang naitala na mas nakahahawa at highly contagious.
Dagdag pa ni Marcos, gaya ng mga economic managers ng bansa, gusto rin niya na muling buksan ang ekonomiya pero dahil nga sa mga problemang ito mahirap pang sabihin na pwedeng ilagay sa mas maluwag ng quarantine restriction ang bansa sa susunod na buwan.
Paliwanag pa ng senadora, nakakatakot din na pilitin ang muling pagbubukas ng mga negosyo sa bansa lalo na kung hindi pa naman nababakunahan ang mga manggagawa nito.
Kung kaya’t nais ni Marcos na tukuyin ang lugar na kailangan manatili sa ‘micro-lockdown’.
Habang ang mga lugar na kontrolado na ang banta ng virus ay doon na lang sana, ani Marcos, magpatupad ng mas maluwag na quarantine status. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno