Inaasahang makararanas ng magandang panahon ang Metro Manila sa idaraos na Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Meeting ngayong linggo.
Ayon sa PAGASA, wala naman silang namomonitor na sama ng panahon na makaaapekto sa bansa simula ngayong araw hanggang Biyernes.
Easterly winds o easterlies pa rin ang nakaaapekto sa silangang bahagi ng Pilipinas habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay inaasahang makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may kasamang pulu-pulong pag-ulan dulot ng localized thunderstorm.
Ang easterlies o hangin mula sa silangan ay mainit na kabilang sa nagiging dahilan ng localized thunderstorm clouds.
By Drew Nacino